Quiapo Church bukas na muli sa publiko matapos ang 14 na araw na lockdown
Matapos isailalim sa lockdown sa loob ng dalawang linggo ay binuksan na muli ang Quiapo Church.
Nagpatupad ng lockdown sa simbahan makaraang isang bumisitang pari ang magpositibo sa COVID-19 pag-uwi nito ng Cagayan De Oro City.
Habang umiiral ang lockdown nagsagawa din ng rapid test sa 81 mga pari at empleyado ng simbahan.
Lahat sila ay nag-negatibo sa COVID-19.
Matapos ang idinaos na misa sa naka-live stream ngayong umaga ng Biyernes, pinapayagan ang mga deboto na makapasok upang magdasal sa loob ng simbahan.
Pero 50 lamang kada batch ang pwedeng pumasok at mayroon lang silang 15 minuto upang manatili sa loob.
Sa labas ng simbahan ay mahigpit ding pinapairal ang social distancing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.