Immigration officers sa Clark, Davao at Zamboanga negatibo lahat sa COVID-19

Negatibo sa COVID-19 test ang lahat ng immigration officers na nakatalaga sa Clark, Davao, at Zamboanga international airports.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI) lahat ng 170 na immigration officers na nakatalaga sa mga paliparan sa Clark, Davao, at Zamboanga ay isinailalim sa COVID-19 test para masigurong ligtas sila sa COVID-19.

Ayon kay BI Port Operations Acting Chief Grifton Medina, noong June 23 isinailalim sa test ang 128 na BI personnel sa Clark airport.

June 7 naman nang isailalim sa test ang mga BI employees sa Davao City airport at June 18 nang gawin ang test sa mga empleyado ng BI sa Zamboanga.

Sinabi ni Medina na susunod ding isailalim sa test ang mga BI personnel na nakatalaga sa mga paliparan sa Mactan-Cebu, Kalibo, at Iloilo.

Mayroon ding 28 pang BI employees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isasailalim pa sa COVID test.

 

 

Read more...