Red Cross nagsagawa ng libreng COVID-19 test sa mga stranded na indibidwal sa Manila North Port
Isinailalim sa libreng COVID-19 test ng Philippine Red Cross ang mga stranded na indibidwal sa Manila North Port sa Port Area.
Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, matapos niyang makita ang sitwasyon ng mga locally stranded individuals sa Port Area ay inatasan niya ang mga tauhan ng Red Cross na agad magsagawa ng swab test.
Sinabi ni Gordon na lahat ng stranded na nasa Port Area ay ipinasailalim niya sa libreng swab test para masigurong ligtas sila sa virus.
Pinagkalooban din sila ng Red Cross ng hygiene kits at nagtayo ng tents para magsilbing temporary shelter ng mga hindi pa nakakauwi ng lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.