COVID-19 foreign debt ng Duterte administration, humataw na sa $7.7B

Unang araw ng huling kalahati ng taon ay muling umutang ang administrasyong-Duterte para pondohan ang pakikipaglaban sa COVID 19.

Base sa ulat, noong nakaraang Miyerkules, Hulyo 1, umutang ang gobyerno ng $458.95 million official development assistance mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Mula nang magsimula ang pandemiya noong Marso, kabuuang $7.76 billion na ang nautang ng administrasyon.

Ito ay may pagtaas ng 9.3 porsyento sa naitalang utang na $7.1 billion noong nakaraang Hunyo 4.

Bumaba ng 16 porsyento ang koleksyon ng BIR at Customs Bureau sa unang kalahati ng taon.

Noong nakaraang Mayo, ang napaulat na kabuuang utang ng gobyerno ay P8.89 trillion.

Umaasa naman ang economic managers na madadagdagan na ang kita ng gobyerno hanggang sa Disyembre dahil maraming negosyo na ang muling nagsimula ng operasyon.

Read more...