Regional quarantine facility bill, itinutulak ni Sen. Go
Umapela ng suporta sa kanyang mga kapwa mambabatas si Senator Christopher “Bong” Go para sa panukalang batas na layon magkaroon ng quarantine facility sa bawat rehiyon sa bansa.
“Kung mayroon na tayong nakahandang pasilidad para sa ganitong mga krisis o sakuna, mas mabilis at mas mabisa nating mapoprotektahan ang kalusugan ng kapwa nating Pilipino. The proposed measure filed aims to address this need and establish quarantine facilities all throughout the country,” sabi ni Go.
Katuwiran nito, kapag agad naihiwalay sa nakakarami ang isang may taglay ng nakakahawang sakit ay mapipigilan ang pagkakaroon ng outbreak sa tuwing may krisis o pandemiya.
Inihain ni Go ang Senate Bill No. 1529 o ang “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020’’ noong nakaraang Mayo 13.
Paliwanag ng namumuno sa Senate Committee on Health kapag naging batas, hahanap ang DOH ng lugar na pagtatayuan ng quarantine facility sa tulong ng DPWH at lokal na pamahalaan.
Pangangasiwaan ng DOH ang operasyon ng pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.