4 miyembro ng terror group, patay sa Maguindanao shootout

By Jan Escosio July 02, 2020 - 10:45 PM

Pinaniniwalaang napigilan ng awtoridad ang masamang balak ng apat na hinihinalang miyembro ng Dwalah Islamiya nang mapatay ang mga ito sa isang engkuwentro sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Unang naharang sa police checkpoint sa Barangay Timbangan ang mga pinaniniwalaang terorista at tumanggi ang mga ito na sumailalim sa inspection ang sinasakyan nilang multi cab.

Una rin umanong naglabas ng mga armas sina Rahib Lumenda Esmail, Prati Kuludan, Arsad Ukom Utto at Alifmer Talimbu kayat pinagbabaril na sila ng grupo ni Police Major Erwin Tabora, ng Maguindanao Provincial Police Office.

Ang apat ay mga tauhan ni Imam Karialan, na pinaghahanap ng awtoridad dahil sa mga insidente ng pambobomba sa Central Mindanao.

Diumano ang mga napatay ay may bombing mission sa hindi pa natutukoy na lugar sa Gitnang Mindanao.

TAGS: Dwalah Islamiya, Inquirer News, Maguindanao shootout, Radyo Inquirer news, Dwalah Islamiya, Inquirer News, Maguindanao shootout, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.