Nakapagtala ng anim pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.
Ayon sa DOH CHD-Bicol, ang mga bagong COVID-19 patient ay residente ng mga sumusunod na lugar:
– Legazpi City – 1
– Naga City – 3
– Pasacao, Camarines Sur – 2
Sinabi ng DOH CHD-Bicol na nakasailalim na ang pasyente sa quarantine facility.
Dahil dito, umabot na sa 130 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.
Sa nasabing bilang, 46 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.