Pumalo na sa 1,000 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (July 2), 20 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 1,000, 230 ang aktibong kaso.
116 ang itinuturing na probable cases habang 740 ang suspected cases kung saan 3,781 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng lima ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 704 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nasa 66 na residente ng Mandaluyong pa rin ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.