PNP pinadidistansya sa imbestigasyon ng NBI sa Jolo, Sulu shooting incident
Iginiit ni ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo na kailangang dumistansya ang Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon na gagawin ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kinalaman sa naganap na shooting incident sa Jolo, Sulu at ikinasawi ng apat na sundalo.
Sabi ni Tulfo, dapat magpatupad ng physical distancing ang PNP sa pagsisiyasat ng NBI sa insidente.
Ito, ayon sa mambabatas, ay kung nais ng PNP na manatili ang tiwala ng publiko sa institusyon.
Gayunman, kailangan naman aniya ang kooperasyon ng pambansang pulisya sa imbestigasyon.
Tiniyak ng kongresista ang mahigpit na pag-monitor sa development ng kaso na hinihinalang isa nanamang ‘police cover-up’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.