Ito ang panukalang batas na maglalaan ng dagdag pondo para maayudahan ang mga Filipinong naapektuhan ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais sana ng Palasyo na gawin ang special session bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27.
Ayon kay Roque, nagkasundo na ang Kongreso at economic managers sa P140 bilyong stimulus package.
Matatandaan na una na ring binigyang diin ni Secretary Roque ang kahalagaan na ma-renew ang Bayanihan Act dahil aniya ay maraming benepisyo ang nakapaloob dito.
Halimbawa ayon sa kalihim ang benepisyo para sa health workers na nahinto nang napaso ang unang Bayanihan Act.