Nasa final review na ng tanggapan ni Executive secretary Salvador Medialdea ang Anti Terror Bill.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, natapos na ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs ang pag-aaral sa panukalang batas.
Ibig sabihin ayon kay Roque, malapit na itong dumating sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hanggang sa ngayon, hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Duterte ang Anti Terror Bill para maging ganap na batas.
“Wala na po sa lamesa ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, nailipat na po ‘yan sa tanggapan ni Executive Secretary for final review. Ibigsabihin po meron nang memorandum recommending a course of action to the President subject to final approval lang po siguro yan ni Executive Secretary at dadalhin na po sa lamesa ni Presidente,” pahayag ni Roque.
June 9 nang maipasa ng Kongreso ang Anti Terror Bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.