SC, hinimok na maglabas ng TRO ss implementasyon ng K-12

By Isa Avendaño-Umali February 23, 2016 - 09:24 AM

Hinimok na k to 12ng Gabriela Partylist ang Korte Suprema na mag-isyu ng Temporary Restraining Order o TRO sa K-12 program ng pamahalaan.

Babala ni Rep. Emmi De Jesus, daang libong estudyante ang posibleng mag drop out o hindi na magpatuloy sa kanilang pag-aaral sa susunod na pasukan kapag hindi nagpalabas ang Supreme Court ng TRO sa K-12.

Paalala ni De Jesus na maging ang Department of Education ay umamin na hindi kaya ng buong education system ang lahat ng papasok na Grade 10 students sa Grade 11 o senior high school slots kahit na maglaan pa ng vouchers sa mga estudyanteng nais mag-aral sa mga DepEd accredited private schools.

Batay sa K-12, dapat sagutin ng DepEd ang bahagi ng gagastusin o hanggang P22,500 na tuition, sa pamamagitan ng vouchers, ng mga estudyante mula sa
public school na mag-eenroll sa accredited private schools.

Nasa 1.6 milyong grade 10 students ang papasok sa Hunyo, pero sa tantsa ni De Jesus ay kalahati nito ang hindi makapagpatuloy dahil na rin sa inaasahang gagastusin sa pag-aaral lalo ang mga mag-eenroll sa private schools.

Giit ni De Jesus, hindi dapat ipagkait ang diploma sa mga mag-aaral na matapos ang 4 na taon at makagraduate.

Isa ang grupong Gabriela sa mga naghain ng petisyon sa SC laban sa K-12 program ng gobyerno.

TAGS: K-12 program, Supreme Court, tro, K-12 program, Supreme Court, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.