Iba pang broadcast company na nag-ooperate ng may expired na prangkisa, pinaiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon July 02, 2020 - 02:22 PM

Pinaiimbestigahan din ng isang kongresista sa House Committee on Legislative Franchises at sa National Telecommunications Commission (NTC) ang iba pang broadcasting companies na nag-o-operate pa rin kahit paso na ang prangkisa.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago na bukod sa ABSCBN na naipasara muna ay may 15 broadcasting companies ang patuloy pa rin ang operasyon sa kabila ng expired na ang prangkisa at kasalukuyan dinidinig ng Kongreso ang franchise renewals ng mga ito.

Kinwestyon ni Violago kung bakit pinapayagan pa rin ng NTC ang operasyon ng broadcasting companies na paso na ang prangkisa.

Posible aniyang may nilalabag din ang mga ito na batas tulad ng labor law o tax evasion law.

Giit ni Violago, dapat na masilip din ang ibang broadcasting companies na patuloy ang operasyon sa kabila ng kawalan ng prangkisa upang malaman kung ito ba ay talagang nakagawian na sa broadcasting industry at para makita rin ng mga Filipino na patas ang Kamara at walang pinapaburan na anumang kumpanya.

Pinaghahain naman ni House Committee on Good Government Chairman Jonathan Sy-Alvarado si Violago ng resolusyon para masiyasat na rin ang operasyon ng broadcast companies.

TAGS: 18th congress, broadcast company, broadcast company franchise, Inquirer News, NTC, Radyo Inquirer news, Rep. Micaela Violago, 18th congress, broadcast company, broadcast company franchise, Inquirer News, NTC, Radyo Inquirer news, Rep. Micaela Violago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.