Magpapakalat ng 80 team sa Cebu City para magsagawa ng contact tracing sa mga na-expose sa COVID-19 patients.
Ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella,
bawat team ay mayroong anim na miyembro.
Isa ay head at lima ang miyembro ng team na bubuuin ng medical practitioners.
Ngayong extended ang enhanced community quarantine sa lungsod hanggang sa July 15 ay palalawigin ng LGU ang contact tracing.
Sa ngayon sinabi ni Labella na nailalabas na ang COVID-19 test results sa Cebu City sa loob ng 48-oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.