Tinalakay ng technical working group sa pangunguna ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang consolidated bills na layong i-regulate ang paggawa, importasyon, pagbebenta, paggamit, koleksyon, recycling at pagtatapon ng plastik.
Kabilang si Velasco sa mga nagsusulong na ipagbawal ang single-use plastics na layong protektahan ang kapaligaran.
Sabi ng kongresista, sisikapin nilang magpasa ng bill na magiging katanggap-tanggap sa lahat kaya naman pinagsusumite nito ng position papers ang stakeholders.
Pero tiniyak ng mambabatas na ipapaloob sa pinal na bersyon ng panukala ang Extended Producers Responsibility (EPR) para matiyak ang pag-retrieve ng mga plastic.
Ang EPR ay isang polisiya kung saan bibigyan ng financial o physical responsibility ang plastic producers sa pagtatapon ng mga nagamit nang produkto, promotion ng disenyo ng mga produktong angkop sa kapaligiran, at public recycling.