BREAKING: Bilang ng mga tauhan sa depot ng MRT-3 na nagpositibo sa COVID-19, 127 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 02, 2020 - 10:14 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga tauhan sa MRT-3 depot na nagpositibo sa COVID-19,.

Mula sa 92 na base sa resulta ng swab test na lumabas araw ng Miyerkules (July 1) ay sumampa na sa 127 ang bilang ng mga depot personnel na nagpositibo sa sakit.

Sa nasabing bilang, 124 ay empleyado ng service provider ng MRT-3 na Sumitomo Mitsubishi at 3 ang empleyado ng MRT-3.

Ayon kay Transport Undersecretary TJ Batan, dahil dito, magbabawas ng bilang ng bibiyaheng tren ang MRT-3 simula sa Lunes, July 6.

Ito ay dahil nabawasan ang mga tauhan sa MRT 3 depot.

Posibleng 10 hanggang 12 tren na lamang ang ide-deploy na tren simula sa Lunes.

Tiniyak ng DOTr na ang mga apektadong personnel na naka-base sa depot malapit sa North Avenue station ay hindi nagkaroon ng contact sa mga tauhan ng MRT-3 sa mga istasyon ng tren.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, mrt depot, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, sumitomo, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, mrt depot, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, sumitomo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.