DepEd enrollees halos 17 milyon na

By Dona Dominguez-Cargullo July 02, 2020 - 08:39 AM

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na simula noong unang araw ng kasalukuyang buwan, umaabot na sa halos 17 milyon ang nagpa-enroll, mula Kindergarten hanggang Grade 12, para sa Academic Year 2020 – 2021.

Hanggang alas kahapon Miyerkules, July 1 ay umabot na sa 16,876,175 ang total number of enrollees.

Sa naturang bilang 16,123,509 ang nag-enroll sa mga public schools at 735,881 naman ang nagpa-rehistro sa private schools.

Kasama sa mga nagpa-enroll ay ang mga sasailalim sa Alternative Learning System at non-graded learners with disabilities.

Base sa datos ng DepEd, 8,349,581 ang nagpa-enroll sa elementarya; 5,377,473 sa junior high school; 1,815,053 naman sa senior high school at 1,078,098 sa kindergarten.

Simula noong Hunyo 1, nagpatupad na ang kagawaran ng remote enrollment sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan, kung saan hindi na kinakailangan pang magtungo ang estudyante o magulang sa mga paaralan.

Pinalawig din ng DepEd ang enrollment hanggang sa July 15.

 

 

TAGS: deped, enrollment, deped, enrollment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.