195,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo naitala sa magdamag
Umakyat na sa mahigit 10.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos, mahigit 10,792,000 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 195,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na mahigit 2,777,661.
Sa magdamag ay halos 50,000 ang naitalang bagong kaso sa US.
Narito naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 1,453,369
Russia – 654,404
India – 605,216
UK – 313,483
Spain – 296,739
Peru – 288,477
Chile – 282,043
Italy – 240,760
Iran – 230,211
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.