Mga tauhan sa MRT-3 depot na nagpositibo sa COVID-19 umakyat na sa 92; bibiyaheng mga tren posibleng bawasan simula sa Lunes

By Dona Dominguez-Cargullo July 02, 2020 - 06:58 AM

Simula sa Lunes, July 6 ay magpapatupad ng reduced capacity sa biyahe ng Metro Rail Transit – 3.

Kabilang dito ang posibilidad na magbawas ng bilang ng mga tren na bibiyahe sa linya ng tren kada araw.

Ito ay makaraang madagdagan pa ng 67 ang bilang ng mga tauhan sa MRT-3 depot na nagpositibo sa COVID-19.

Simula nang magsagawa ng swab testing sa mga tauhan ng MRT-3 at Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries (MHI) sa depot ay umabot na sa 92 ang nagpopositibo sa COVID-19.

25 ay nagpositibo sa unang batch ng swab test at ang 67 pa ay lumabas ang resulta kahapon.

Ayon sa pahayag ng DOTr MRT-3, 89 sa 92 na nagpositibo ay pawang empleyado ng Sumitomo-MHI, habang ang iba pa ay tauhan ng MRT-3.

Tiniyak naman ng MRT-3 management na nananatiling COVID-19 free ang lahat ng kanilang stations personnel.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan na bagaman makakapagpatuloy sa operasyon ang mga tren ng MRT-3 ay magbabawas ito ng kapasidad simula sa July 6.

Ito ay dahil sa mas maraming maintenance personnel nila sa depot ang nakasailalim sa quarantine.

Mananatili naman ang deployment ng mga bus sa mga istasyon ng MRT-3 para umasiste sa mga pasahero.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, depot personnel, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, reduced capacity, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, depot personnel, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, reduced capacity, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.