Ayon sa PAGASA, easterlies ang umiiral sa eastern section ng Visayas at Mindanao.
Sa magiging lagay ng panaho ngayong araw, ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, mainit at maalinsangan ang panahon na mayroong pag ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.
Sa Tuguegarao City posibelng umabot sa 36 degrees Celsius ang maximum temperature ngayong araw.
Habang 34 degrees Celsius ang inaasahang maximum na temperatura sa Metro Manila.
Mainit na panahon din ang mararanasan sa Visayas at Mindanao at magkakaroon lamang ng isolated na mga pag-ulan.
Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa.
Sa susunod na tatlong araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).