Ilang lugar sa Parañaque, isasailailim sa calibrated lockdown
Isasailalim sa calibrated lockdown ang ilang lugar sa Parañaque City.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng pamunuan ng Barangay BF at City Health Office.
Kabilang sa mga isasailalim sa lockdown ay ang mga sumusunod na lugar:
1. Clinicville
-Purok 1
-Purok 2
2. J. Marquez Compound
3. Sampaloc Site 2
-Apple St.
-Chico St.
-Dalandan St.
-Calamansi St.
4. Masville
-Purok 3
-Purok 3A
-Aratiles 1
-Aratiles 2
5. Target Range 1
Magsisimula ang lockdown sa mga nabanggit na lugar bandang 6:00, Biyernes ng umaga (July 3), hanggang 12:00, Linggo ng madaling-araw (July 5).
Kasabay nito, magsasagawa ang Parañaque City government ng masusing pagsusuri at total disinfection o flushing sa mga apektadong lugar sa Sabado, July 4.
Ang tanging papayagan lamang aniya lumabas ay ang mga frontliner na nasa larangan ng medikal at serbisyong pampubliko.
Bawat tahanan din aniya ay bibigyan ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.
“Amin pong hinihingi ang inyong buong suporta para sa agarang solusyon at inaasahan namin ang inyong kooperasyon upang sama-sama nating masugpo ang pandemyang ito,” ayon sa alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.