Tanggapan ng CAB, isasailalim sa lockdown hanggang July 6
Isasailalim sa lockdown ang tanggapan ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Pasay City.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng CAB na ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang personnel sa RT-PCR test.
Ipatutupad anila ang lockdown para maprotektahan ang kalusugan ng CAB personnel at stakeholders.
Magsisimula ang lockdown sa Huwebes, July 2, hanggang July 6.
Sa kasagsagan ng lockdown, magsasagawa na rin ng disinfection sa buong gusali ng CAB.
Sasalang din ang lahat ng CAB personnel sa RT-PCR test.
Sinabi pa ng CAB na lahat ng transaksyon ay gagawin online sa kasagsagan ng lockdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.