Iriga City, nakapagtala ng unang dalawang kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng unang dalawang kaso ng COVID-19 sa Iriga City, Camarines Sur.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, kapwa asymptomatic ang dalawa at dumating sa Bicol noong June 13 mula sa Cebu City.
Nakasailalim na sa quarantine facility ang dalawa.
Maliban dito, apat pang bagong kaso ang napaulat sa nasabing rehiyon.
Sinabi ng DOH CHD – Bicol na nagmula ang mga bagong kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Balatan, Camarines Sur – 2
– Legazpi City, Albay – 2
Asymptomatic din ang apat at nananatili na sa LGU quarantine facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.