Bahagya nang humina ang habagat, ayon sa PAGASA.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na Easterlies ang patuloy na umiiral sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Gayunman, asahan pa rin aniya na magkakaroon ng isolated thunderstorm sa ilang lugar.
Sa susunod na 24 oras, magiging mainit at maalinsangan pa rin ang panahon sa buong Luzon at Visayas.
Sinabi ni Perez na may posibilidad lamang ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog tuwing hapon o gabi.
Sa Mindanao naman, maaaring maging maulan at makararanas ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
Wala namang binabantayang bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
MOST READ
LATEST STORIES