Nakuhang swab sample sa Makati City, umabot na sa 8,731
Umabot na sa 8,731 katao ang sumailalim sa pagsusuri para sa COVID-19.
Sa datos ng Makati Health Department at Ospital ng Makati hanggang July 1, kabilang dito ang frontliners, health workers, probable patients, at persons under monitoring.
Ayon kay Mayor Abby Binay, mula April 22, libreng isinasagawa ang mass testing sa frontliners at may sintomas ng COVID-19 para matukoy, maibukod, at magamot ang mga may sakit.
Mahalaga aniyang masuri ang frontliners dahil mayroon silang direktang ugnayan sa mga pasyente.
Dagdag pa nito, importante ring maging malusog at ligtas sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.