Batas na mag-oobliga na maibalik sa plastic producers ang mga itinapong produkto, iminungkahi sa Kamara
Iminungkahi ni Environment Usec. Benny Antiporda sa mga Kamara na lumikha ng batas na magoobliga sa mga plastic producers na gumawa ng sistema kung paano mare-retrieve o maibabalik sa kanila ang mga plastic na ginamit sa mga produkto.
Sa pagdinig ng House Committee on Ecology, sinabi ni Antiporda na hindi nila tuluyang ipinagbabawal ang paggamit ng plastic pero kanilang mahigpit na tinututulan ang hindi tamang disposal o pagtatapon ng plastic.
Kasama sa rekomendasyon na bigyan ng discount sa susunod na pagbili ng produkto ang mga consumers na nakapag-ipon at nakapagbalik ng ginamit na plastic mapa-sachet, bag o container man ito.
Sa ganitong paraan aniya ay walang masasaktan na mga manggagawa mula sa mga manufacturers ng plastic, makakamura pa rin ang publiko at makakatulong pa ito sa kalikasan gayundin ang pagpaparusa sa mga producers na hindi makakasunod sa retrieval system.
Kapwa naman sinuportahan nila Minority Leader Benny Abante at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang panukala na anila’y win-win solution para sa lahat.
Tinalakay din sa pagdinig ang House Bill 6279 ni Rodriguez kung saan pinabubuo ng ‘scheme’ ang mga plastic producer para ma-retrieve ang mga plastic at gamitin sa energy o fuel gayundin ang House Bill 5773 ni Abante kung saan ipagbabawal naman ang paggamit ng single-use plastic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.