New Housing program para sa public school teachers, inihirit ni Sen. Tolentino

By Jan Escosio July 01, 2020 - 04:22 PM

PHOTO CREDIT: SENATE PRIB

Nais ni Senator Francis Tolentino na magkaroon ng portability housing program para sa mga pampublikong guro sa ilang lugar.

Nangangahulugan, paliwanag ng senador, na ang mga naibayad ng guro sa pabahay kung saan siya nagtuturo ay maaring maipasa sa kanilang permanenteng bahay.

“Halimbawa bagong teacher ako, bumili ako ng bahay sa isang komunidad pero hindi naman ako magiging permanente doon. Dapat iyong naihulog ko, iyong amortiation ko dapat ma-carry doon naman sa paglilipatan ko na permanently na lugar,” dagdag paliwanag ng senador.

Binanggit ito ng senador sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, ukol sa mga panukala para sa programang pabahay para sa mga guro.

Makakabuti, ayon pa kay Tolentino, ang programa sa mga guro na pansamantala lang ang pagtuturo sa isang lugar kung saan may housing project at sa kanilang pag-alis ang papalit na guro ang magpapatuloy na lang ng pagbayad sa bahay.

Maganda sabi naman ni Jimmy Sarona, acting Executive Vice President of Home Guaranty Corporation, ang panukala ni Tolentino bagamat aniya kailangan pa itong ibayong pag-aralan dahil sa mga polisiya ng PAG-IBIG at iba pang ahensya ng may programang pabahay.

TAGS: Francis Tolentino, Inquirer News, new housing program for public school teachers, Radyo Inquirer news, Francis Tolentino, Inquirer News, new housing program for public school teachers, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.