Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 3,410 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (July 1).
Sa nasabing bilang, 3,333 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
3,302 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,082 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,985 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 235 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 2,264 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES