COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 3,410
Pumalo na sa mahigit 3,400 ang mga nagpositibo sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 3,410 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (July 1).
Sa nasabing bilang, 3,333 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
3,302 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,082 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,985 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 235 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 2,264 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.