J&T Express, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte sa NBI at CIDG
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ang imbestigasyon sa J and T Express.
Ito ay matapos mag-viral sa social media ang mishandling ng mga package na ipinadadala sa J and T.
Pinasisilip na rin ng pangulo sa Bureau of Internal Revenue ang financial status ng J and T.
“May isa dito na madalas akong makatanggap ng complaint. You better shape up but I’d like you to know that I am ordering now because the CIDG is listening and the NBI to investigate you at ang BIR to look into your finances.
Iyong mga padala nawawala tapos pagdating, pinapalitan. Wala ng laman. I am not condemning you now. I am not also insinuating that you are liable or guilty of doing it. It would depend greatly on what is the result of the investigation,” pahayag ng pangulo.
Naawa ang pangulo dahil karamihan sa mga tunatangkilik sa padala ay ang mga mahihirap na Filipino.
“As a courier, a company registered as a courier, I would like to — because of the so many complaints but I will close you down. Sigurado ‘yan sasarahan talaga kita whether you like it or not after the CIDG and the NBI would finish their investigation and would point a liability sa inyo,” dagdag ng pangulo.
Hinihimok ng pangulo ang publiko na kung may hindi magandang karanasan sa J and T, magtungo sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at maghain ng reklamo.
“Siguraduhin lang ninyo. And ‘yung lahat naman na may reklamo, go to the nearest — punta kayo sa pulis hanapin ninyo ‘yung… Mayroong opisina ‘yan ng — nakakalat, nakakalat ‘yan, police agency ‘yan. Sabihin ninyo paturo kayo then file the complaint there — ang inyong affidavit, tapos tingnan ko. If I’m satisfied na medyo may kalokohan, ah sisirahan ko kayo and I will file charges also,” dagdag ng pangulo.
Una rito, nangako ang J and T na hindi kukunsintihin ng kanilang hanay ang mga tauhan na nasa viral video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.