July 2 idineklarang holiday sa Pasig City

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang special non working holiday sa Pasig City.

Sa bisa ng Presidential Proclamation 975, s-2020, ito ay bilang paggunita sa Araw ng Pasig.

Ayon naman kay Pasig City Mayor Vico Sotto, dahil sa pandemic ng COVID-19, walang malaking selebrasyon na gagawin sa lungsod.

Hinimok din ni Sotto ang mga residente na dahil walang pasok sa trabaho bukas ay manatili na lang sa kanilang mga tahanan.

 

 

 

Read more...