Paghahanap sa mga nawawalang mangingisda sa Occidental Mindoro, dapat mas paigtingin

By Erwin Aguilon July 01, 2020 - 12:31 PM

Nanawagan si Palawan Rep. Franz Alvarez ang mga otoridad na huwag tumigil sa search and rescue operations para sa 14 na nawawalang mangingisda matapos mabangga ang kanilang bangka ng Hong Kong cargo vessel sa karagatan ng Occidental Mindoro.

Apela ni Alvarez sa Philippine Coast Guard, Philippine Navy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, lalo pang paigtingin ang paghahanap sa mga ito.

Hinimok rin ng kongresista ang mga residente na malapit sa pinangyarihan ng banggaan na tumulong sa paghahanap at bigyan ng pansamantalang matutuluyan ang posibleng survivors na mapapadpad sa kanilang lugar.

Hiniling naman nito sa Department of Foreign Affairs na makipag-ugnayan sa mga otoridad sa Hong Kong para matulungan ang mga pamilya ng 14 na mangingisda.

Iginiit ni Alvarez na kailangang panagutin ang mga tripulante ng Hongkong cargo vessel sa nangyaring banggaan lalo’t lumalabas na hindi tinutulungan ng mga ito ang mga mangingisdang Pinoy.

Napag-alamang galing Subic ang MV Vienna Wood at patungog Australia nang mabangga ang Liberty 5 na patungo naman sanang Navotas Fish Port.

 

 

TAGS: coast guard, Inquirer News, Mindoro, missing fishermen, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, Inquirer News, Mindoro, missing fishermen, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.