Gordon, kinwestyon sa Korte Suprema ang hindi pag-iisyu ng voter’s receipts sa May 9 polls

By Jay Dones February 23, 2016 - 04:33 AM

 

Richard A. Reyes/Inquirer

Dumulog sa Korte Suprema si senatorial candidate Richard Gordon upang hilingin dito na atasan ang Commission on Elections na mag-isyu ng resibo sa mga botante sa nalalapit na May 9 polls.

Matatandaang sa botong 7-0, ibinasura ng Comelec ang pag-iisyu ng ‘vote receipt’ o Voter Verification Paper Audit Trail (VVPAT) sa mga botante sa pangambang magamit ito sa vote-buying.

Bukod dito iginiit pa ng poll body na tatagal din ang oras ng proseso ng halalan ng hanggang pitong oras kung gagamitin pa ang VVPAT sa araw ng eleksyon.

Sa kanyang petition for mandamus, sinabi ni Gordon na dapat sundin ng Comelec ang isinasaad ng Republic Act 9369 o ang Automated Election Law.

Sa ilalim aniya ng Section 7 ng naturang batas, ang VVPAT ang isa sa mga minimum system capabilities ng automated election system at isa sa mga major security feature ng mga vote counting machine na gagamitin sa halalan.

Sa pamamagitan aniya ng voter’s receipt o VVPAT, makukumpirma ng isang botante ang na nabilang ang kanyang boto at magagamit na ebidensya upang matiyak na walang pandarayang iiral sa May 9.

Mas magiging malaki aniya ang tsansa na magkaroon ng dayaan sa eleksyon kung hindi mag-iisyu ng voter’s receipt ang Comelec.

Mas magiging mahirap aniya na matukoy kung magkakaroon ng ‘digital cheating’ sa panahon ng eleksyon kung hindi ipapatupad ang security feature na ito na bahagi ng batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.