outbrain

Global death toll sa COVID-19 mahigit 513,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2020 - 10:26 AM

Sumampa na sa mahigit 513,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa magdamag, ay nakapagtala ng nasa 6,000 pang panibagong nasawi.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 513,913 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 130,122.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 59,656
UK – 43,730
Italy – 34,767
France – 29,843
Spain – 28,355
Mexico – 27,769
India – 17,410
Iran – 10,817

Sumampa naman na sa mahigit 5.7 million ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa 4.2 million pa ang aktibong kaso.

TAGS: covid deaths, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.