PNP-IAS posibleng maglunsad ng administrative proceedings laban sa siyam na pulis na sangkot sa pagkasawi ng apat na sundalo sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2020 - 09:50 AM

Handa ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na maglunsad ng sariling administrative proceedings laban sa siyam na pulis na sangkot sa pagkasawi ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, masusuing binabantayan ng
PNP-IAS ang usapin at kung may sapat na batayan aniya ay magsasagawa ito ng administrative proceedings.

Sinabi ni Banac na ang National Bureau of Investigation ang may hawak sa kaso para matiyak ang pagkakaroon ng impartial investigation.

Ang apat na sundalo ay nasa kanilang misyon nang sila ay masawi sa checkpoint ng pulis sa Jolo.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Jolo, misencounter, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP. IAS, Radyo Inquirer, State of Emergency, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Jolo, misencounter, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP. IAS, Radyo Inquirer, State of Emergency, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.