Pagsailalim sa driving course bago makakuha ng student permit o bagong driver’s license, mandatory na
Simula sa August 3, 2020 mandatory na ang pagsailalim sa driving course bago makakuha ng student permit o bagong driver’s license.
Ayon sa abiso ng Land Transportation Office (LTO), ipoproseso lamang ang student permit at bagong driver’s license (DL) at dagdag na Restriction Code (RC) applications kung ang aplikante ay sumailalim at naka-kumpleto ng driving course.
Kailangang mayroong completion certificates nainisyu ng LTO-accredited Driving School, kanilang authorized Driving School Instructors / Administrators, o ng LTO-Driver Education Centers (DECs) sa LTO Offices.
Pinaghahanda na rin ang lahat ng regional office at district office ng LTO para tumanggap ng electronically transmitted na PDC at TDC certificates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.