Pormal na inilusad ang teacher-riders sa lungsod at idinaos ang oath taking ceremony sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Maliksi.
Ang pagiging official module transporters ng mga miyembro ayon kay G. Arturo P. Rosaroso, Jr., DICER founder at Principal ng Imus National High School ay pagpapakita ng bayanihan para matiyak na ligtas na maibibigay ang edukasyon sa gitna ng krisis.
“The team is ready, willing to serve, and raring to go para maabot ang mga bidang mag-aaral na Imuseño,” ani Rosaroso.
Maliban dito, nagsimula na ring mamahagi ang LGU ng aabot sa mahigit 2,500 na radyo na maaring gamitan ng USB/flashdrive para sa pagre-review ng mga guro ng recorded lessons.
Tatrabahuhin din ng LGU ang maayos at malakas na internet connectivity sa mga paaralan at mga barangay upang mapagaan ang pag-aaral ng mga learners.
May kabuuang 35 na pampublikong paaralan ang Imus City na binubuo ng 25 elementarya, limang (5) Junior High School, apat (4) Senior High School at isang (1) Integrated school.