LOOK: Teacher-riders sa Imus City magbabahay-bahay upang maghatid ng modules sa mga estudyante

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2020 - 08:54 AM

Sa pagbubukas ng School Year 2020-2021 sa Agosto, aarangkada ang mga teacher-riders na miyembro ng DepEd Imus City Eagle Riders (DICER) para sa house-to-house na pag-deliver ng mga learning modules sa mga mag-aaral.

Pormal na inilusad ang teacher-riders sa lungsod at idinaos ang oath taking ceremony sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Maliksi.

Ang pagiging official module transporters ng mga miyembro ayon kay G. Arturo P. Rosaroso, Jr., DICER founder at Principal ng Imus National High School ay pagpapakita ng bayanihan para matiyak na ligtas na maibibigay ang edukasyon sa gitna ng krisis.

“The team is ready, willing to serve, and raring to go para maabot ang mga bidang mag-aaral na Imuseño,” ani Rosaroso.

Maliban dito, nagsimula na ring mamahagi ang LGU ng aabot sa mahigit 2,500 na radyo na maaring gamitan ng USB/flashdrive para sa pagre-review ng mga guro ng recorded lessons.

Tatrabahuhin din ng LGU ang maayos at malakas na internet connectivity sa mga paaralan at mga barangay upang mapagaan ang pag-aaral ng mga learners.

May kabuuang 35 na pampublikong paaralan ang Imus City na binubuo ng 25 elementarya, limang (5) Junior High School, apat (4) Senior High School at isang (1) Integrated school.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Imus City, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, teacher-riders, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Imus City, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, teacher-riders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.