13 volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 13 volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.
Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng moderate emission ng kulay puting steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 200 meters.
Kahapon June 30 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 136 tonnes/day.
Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.
Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.