Temporary operations ng EDSA Busway simula na ngayong araw

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang pagsisimula ngayong araw, July 1 ng interim operations ng EDSA Busway.

Layon ng EDSA Busway na matulungan ang mga commuter sa Metro Manila ngayong umiiral pa ang general community quarantine (GCQ).

Sakop ng temporary operations ng EDSA Busway ang mga bus stops mula Monumento hanggang sa PITX.

Ang mga bus galing Monumento at patungo ng Quezon Avenue ay gagamitin ang sumusunod na bus stops para sa pag-pick up at pagbaba ng pasahero:

Bagong Barrio
LRT Balintawak
Kaingin Road
LRT Muñoz Station
MRT North Avenue Station (Southbound-Loading only, Northbound-Unloading Only)
MRT Quezon Avenue Station (Southbound-Loading only, Northbound-Unloading Only)

Gagamitin na din ng mga bus ang median lanes section mula sa Quezon Avenue hanggang sa EDSA Estrella.

Paglagpas naman ng Estrella, ang mga bus ay papayagan na mag-pick-up at magbaba ng pasahero sa curbside stops mula Buendia hanggang sa PITX, particular sa sumusunod na bus stops:

Buendia
Ayala (Southbound-Unloading Only, Northbound-Loading and Unloading)
Magallanes
Evangelista/Malibay
Taft Avenue (Southbound-Unloading Only, Northbound-Loading Only)
Roxas Boulevard
Macapagal Avenue
SM Mall of Asia
PITX

Sa ngayon ayon sa DOTr, aabot sa 550 bus units ang otorisadong gumamit ng EDSA Busway.

Nangako na rin ang mga bus operator na simula ngayong araw at walang ipatutupad na fare increase.

Ang pansamantalang pagpapagamit sa curbside stops ay habang kinukumpleto pa ang bus stops sa gitna ng EDSA kabilang ang paglalagay ng ilaw, bakod at canopies.

 

 

 

Read more...