Luneta Park sa Maynila bukas na muli sa publiko
By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2020 - 08:06 AM
Binuksan na muli sa publiko ang bahagi ng Luneta Park sa Maynila.
Pero ayon sa National Parks Development Committee pwede lamang gamitin ang Luneta Park para sa pag-eehersisyo.
Ang parke ay bubuksan sa mga nais mag exercise mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.
Naglabas din ang NPDC ng mapa ng Luneta Park na pwede lamang gamitin.
Ang mga papasok sa parke ay required na pumirma sa health declaration form.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.