outbrain

19 patay sa pagsabog sa clinic sa Tehran, Iran

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2020 - 07:54 AM

Labingsiyam ang nasawi sa pagsabog na naganap sa isang clinic sa northern Tehran sa Iran.

Ang pagsabog ay naganap sa Sina At’har health center na nagdulot ng matinding pinsala sa gusali at makapal na usok.

Agad namang nagpadala ng tulong sa lugar ang emergency medical services ng Tehran.

Unang iniulat na 13 ang nasawi pero kalaunan, sinabi ni Tehran fire department spokesman Jalal Maleki na umakyat na sa 19 ang patay.

15 sa mga nasawi ay babae at 4 ang lalaki.

Sinabi ni Maleki na base sa inisyal na imbestigasyon, ang pagsabog ay bunsod ng pagkasunog ng gas canisters sa basement ng gusali.

Ang ilan sa mga biktima ay pasyente at mga kaanak ng pasyente.

 

 

TAGS: Clinic, Explosion, Inquirer News, Iran, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tehran, Clinic, Explosion, Inquirer News, Iran, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tehran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.