Ilang bahagi ng Brgy. Lower Bicutan sa Taguig sasailalim sa lockdown simula July 2

Simula bukas, July 2 isasailalim sa lockdown ang ilang bahagi ng Brgy. Lower Bicutan sa Taguig.

Ayon sa abiso ng Taguig City LGU ang modified localized quarantine (MLQ) ay tatagal hanggang sa July 15.

Sakop ng lockdown ang mga sumusunod na lugar:

– Dalampasigan Area sa Purok 5
– Barangay Street, Purok 6-A
– I. Reyes Street, Purok 6-B
– K-9 Area, Purok 6-D
– Mauling Creek Area, Purok 6

Ang buong Purok 5 at 6 ng naturang barangay ay nauna nang isinailalim sa localized lockdown.

Pero nagpasya ang lokal na pamahalaan na bawiin na ang lockdown sa buong Purok 5 at 6 at panatilihin lang ang lockdown sa ilang mga kalye nito.

 

 

Read more...