Mga kumpanya ng langis may dagdag sa presyo ng LPG simula ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2020 - 06:03 AM

Epektibo ngayong unang araw ng buwan ng Hulyo ang dagdag sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng kumpanyang Petron, epektibo alas 12:01 ng madaling araw (Miyerkules, July 1) may dagdag na 50 centavos sa kada kilo ng kanilang LPG.

Mangangahulugan ito ng dagdag na P5.50 sa kada 11-kilogram na LPG cylinder.

Nagpatupad din ng dagdag na 30 centavos sa bawat litro ng AutoLPG ang Petron.

Ganito rin ang halaga ng dagdag presyo ng kumpanyang Phoenix Petroleum sa kanilang LPG at AutoLPG.

Habang ang kumpanyang Solane naman, 45 centavos ang dagdag sa bawat kilo ng LPG o P4.95 na dagdag sa bawat 11-kilogram LPG cylinder epektibo alas 6:00 ngayong Miyerkules ng umaga.

 

 

TAGS: BUsiness, Inquirer News, LPG, News in the Philippines, price hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, LPG, News in the Philippines, price hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.