Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 247 na
Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Martes, June 30, 3PM), nakapagtala ng 36 na bagong kaso kaya umabot na sa 247 ang bilang ng active cases sa lalawigan.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 29
San Pedro (BJMP) – 33
San Pedro (PNP) – 1
Biñan (Larger Community) – 67
Biñan (PNP Custodial Facility) – 1
Biñan (BJMP) – 1
Santa Rosa – 52
Calamba – 21
Los Baños – 1
Cabuyao – 20
San Pablo – 6
Santa Cruz – 3
Bay – 2
Calauan – 4
Alaminos – 2
Nagcarlan – 2
Cavinti – 1
Siniloan – 1
Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 53 na kung saan ito ay nadagdagan ng 2.
Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 527.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 827.
Samantala, nasa 1,543 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.