ECQ sa Cebu City pinalawig pa hanggang July 15

Mananatiling nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Cebu City.

Sa televised address ni Pangulong Duterte sinabi nitong hanggang July 15 ay nasa highest level of quarantine pa rin ang lungsod.

Ito ay bunsod ng mataas na bilang ng mga pasyenteng apektado ng sakit.

Maliban dito, hirap na rin aniya ang mga ospital sa Cebu City dahil sa dami ng pasyente.

Noong nakaraang linggo inatasan ng pangulo si Environment Sec. Roy Cimatu para pangasiwaan ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 sa lungsod.

 

 

Read more...