Ayon sa DOH CHD-Bicol, ang mga bagong COVID-19 patient ay residente ng Manito, Albay.
Sinabi ng DOH CHD-Bicol na nakasailalim na ang pasyente sa quarantine facility.
Dahil dito, umabot na sa 118 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.
Sa nasabing bilang, 21 ang naka-quarantine habang 13 ang naka-admit sa pagamutan.
Isa naman ang itinuturing na probable at pito ang suspected cases.
Nasa 78 residente na sa Bicol ang gumaling sa pandemya at anim ang pumanaw.
MOST READ
LATEST STORIES