17 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas
By Angellic Jordan June 30, 2020 - 10:35 PM
Nagpositibo ang 17 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 30, umakyat na sa 324 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Anim naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.
Dahil dito, umakyat na sa 132 ang total recoveries sa Western Visayas.
Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.