Mga pamilya sa Brgy. New Lower Bicutan sa Taguig, nakatanggap ng cash aid
Nakatanggap ang ilang pamilya sa Taguig City ng P4,000 na tulong pinansyal, araw ng Martes (June 30).
Ayon sa Taguig City government, nabigyan ng ayuda ang mga pamilya sa Barangay New Lower Bicutan sa ilalim ng Taguig Amelioration Program.
Nauna nang nabigyan ng financial assistance ang mga residente sa bahagi ng Barangay San Miguel, Tuktukan, Fort Bonifacio, Ligid-Tipas, North Daang Hari, Palingon-Tipas, Tanyag, Upper Bicutan, Wawa, Maharlika, Bambang, Ususan at Western Bicutan.
Sa ngayon, nag-iikot pa rin ang Taguig LGU sa iba pang barangay para sa TAP.
Nagtayo naman ng TAP Help Desks sa mga lugar ng pay-outs para sa mga residente ng lungsod na may mga katanungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.