Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson at aniya, maganda na nagkasundo sina Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr., na ang National Bureau of Investigation o NBI ang magsagawa ng imbestigasyon.
Diin lang ni Lacson, kailangan na ‘in full control’ ang ground commanders ng PNP at AFP sa sitwasyon para maiwasan ang maaring paglala ng sitwasyon.
Ayon kay Lacson, abala na ang puwersa ng gobyerno sa paglaban sa terorismo sa Mindanao at kapag may seryosong hindi pagkakasundo ang AFP at PNP ay maaring gamitin ito ng mga kalaban ng gobyerno na bentahe.
Aniya, kapag nangyari ito, malalagay sa delikadong sitwasyon ang bansa.
Sa police checkpoint, napatay ng mga pulis ang isang Army major, isang Army captain, isang Army corporal at isang Army private dahil sa kahina-hinalang kilos.
Ngunit ayon sa AFP, ang apat na napatay ay nasa official intelligence operations at nangangalap ng impormasyon sa mga suicide bombers na kaalyado ng grupo ni Abu Sayyaf bomb expert Mudji Sawadjaan.